Ang sabi sa corinthians 6:14-16
"14Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman? 15Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya? 16Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos."
sa ibang english translations, ang ginagamit ay
"Do not be unequally yoked" (ESV)
"Don’t team up"(NLT),
"Don't become partners" (the message),
Maraming evangelical churches ang ginagamit ang scripture na yan na nagpapatungkol sa pagtutol sa pakikipagrelasyon sa hindi ka-pananampalataya. Sa pananaw ng nakakarami, Hindi lang ito sumasakop sa hindi kaparehong pananampalataya tulad ng buddhism, hinduism or muslim kundi pati sa sa pananampalataya labas sa "born-again" movement.
pero ano ang pananaw nyo patungkol dito sa usapin na ito.
makibahagi sa diskusyunan sa forum na ito.
RULE:
1. Vote on the displayed poll
2. express your views by posting as many and as long as you can.